“Modernong Filipina”

Bakit yung mga babae sa generation natin ngayon sobrang layo ng pagkakaiba sa mga babae sa past generations. Di naman sa pagiging “old school” pero biglang sumagi si Maria Clara sa isipan ko. Lumaki ako ng naniniwala na ang isang babae ang dapat naghihintay. Pihikan at matalino. Maganda at mabuti.

Bakit ngayon mga babae na ang umeeffort ?

Mga ate, kung gusto niyo ng respeto subukan niyo naman umastang kagalang galang. Oa na kung oa pero babae tayo. Pinalaki tayong may utak para gamitin natin. Hindi yung puso lang ang dapat sundin. We are known to be conservative, prim and proper. Finest kung baga. Hindi sa pang aano sa inyo, patawad ngunit opinyon ko ito. Gusto ko malaman na bakit ang mga babae na ang gumagawa ng mga bagay para makilala o yung mag “effort” ba. Para sa mga lalaki, hoi, MAGPAKALALAKI KA NAMAN. Pag gusto niyo ang isang babae, gumalaw kayo. Hindi yung nagiiwan kayo ng motibo kasi panget tignan sa babae ang gumagawa ng effort or “moves”.For short yung mga malalandi. Sabi nga nila “Chivalry is dead” pero anong pake ko? Naniniwala pa rin ako na ang ibang lalaki ay kayang magbago, hindi ba ? Don’t just impress us, earn our respect first. Naalala ko tuloy yung adviser ko dati sabi niya “Di bale ng maarte, wag lang malandi.”

Pakiusap alalahanin niyo kung gaano kaganda ang mga pangyayari noon. Katulad nung mga historic days or yung panahon nila Jose Rizal, Crisostomo Ibarra or Andres Bonifacio. Uso yung inaakyatan ng ligaw, yung pinaghihirapan talaga ng mga lalaki makuha yung matamis na “Oo” ng mga babaeng nililigawan nila at yung mga moments na masasabi natin na “Gusto ko ganto din mangyare sa akin” for short, classic love stories. Hindi katulad ngayon chat chat na lang tapos madedevelop tapos aasa tapos masasaktan. Also in texting, nagmamadali pa yung iba dyan magpaload para marereplyan si crush eh kung utusan naman jusko aabutin pa ng syam syam. Parang gawain na din eh.

Kasi ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang mga babae na ang nageeffort samantala ang mga lalaki naman ang naghihintay o sila naman yung kailangan pasikatan. Guys if you like someone, wag ka ng magdalawang isip pa, GO FOR IT. Di ko alam kung totoo na ang torpe daw talaga ang tunay na nagmamahal.Di bale ng masaktan atleast natuto diba. Girls try to wait and stop making efforts. Ika nga patience is a virtue. Tayo dapat ang naghihintay, hindi yung naghahanap.

At para sa mga babaeng kakaiba ngunit may moralidad.

Tayong mga tinaguriang “modernong Filipina”ay isang matatag, matapang, may delikadeza at may lakas para patunayan na hindi tayo basta basta. Katulad nila Melchora Aquino, Gregoria De Jesus at Gabriela Silang. Di lang sa mga larangan ng pagiging lider. Yung filipina na mga beauty queens. Katulad nila Venus Raj, Megan Young, Janine Tugonon atbp. Miski na din ang mga nanay natin, ang ilaw ng tahanan. Sila talaga ang pinaka iniidolo ko sa lahat kasi nakikita ko na kaya nilang itaguyod ang isang pamilya Mga babaeng may magagandang layunin para sa kinabukasan. Masaya at maganda maging isang “iconic” na Filipina. Nakakapang lakas ng loob, yung bang may pinapatunayan ka na bilang isang babae mayroon tayong halaga sa lipunan, na mayroon tayong kayang iambag bilang isang babaeng edukada at yung maipamalas mo sa buong mundo na di lang sa mukha ang kagandahan ngunit sa kalooban din.

At yun ang pinaniniwalaan ko bilang isang modernong Filipina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s